“Modular Subjects”, dalawang salitang naririnig palang ay napapagod na ang mga estudyante. Ito’y palaging pinag-uusapan lalo na’t sa mga estudyanteng naguguluhan sa kung ano pala ang pakay ng sistemang ito? bakit ba ito ang naging sistema sa aming paaralan? Ang mga tanong na ito’y magiging sagot kung epektibo nga ba ang Modular Subjects para sa mga mag-aaral.
Ang mga “Modular Subjects” ay tumutukoy sa iba’t ibang asignatura na pinaikli at ang mga ito’y pinagsama-sama upang makabuo ng isang sistema na kung saan ay matatapos sa loob ng isang semestre. Halimbawa ng mga subjects na ito iniaalok na paaralang La Salle Academy sa kanilang mga estudyante sa Senior High School ay ang R and W (Reading and Writing) at Filipino. Sa pagtalakay sa pagka-epektibo ng mga ito ay halo-halo ang mga saloobin ng mga mag-aaral.
Para sa akin, ako’y sumasang-ayon na epektibo ang paggamit ng ganitong sistema sa aking pag-aaral sa Senior High School. Bilang isang estudyante na nakaranas na nito, masasabi ko na epektibo talaga ito sapagkat natuturuan kaming mga estudyante na mag “multitask” at pangasiwaan ang aming oras. Kung baga ang modular subjects ay ang dahilan kung bakit kami ay nasasanay na gumawa ng maraming bagay mahirap man o hindi. Bukod pa dito ay nagiging maasikaso kami sa aming mga gawain at nakapagtanto kaming mga estudyante kung ano talaga ang aming mga lakas at kahinaan sa buhay na sa pamamagitan ng modular subjects ay nagkakaroon kami ng pagpipilian habang maaga pa. Oo, minsan masasabi ko rin na mahirap yung mga modular subjects na aking naranasan lalo na sa iskedyul nito na nagdadagdag ng stress samin sapagkat nalilito na kami kung saan kami uuna mag-aral o gawin ang proyekto nito bago muna sa mga “major” na asignatura ngunit para sa akin ang iskedyul sa mga modular subjects ay ayos lang naman dahil para sa akin ako’y nasanay na at ito ay nagiging preparasyon na rin namin kapag kami ay nasa kolehiyo na. Sa kabuuan masasabi kong epektibo naman ang modular subjects para sa mga estudyante sapagkat ito ay tumutulong sa paghubog sa aming mga kasanayan.