Ang “Magasin” ay isang awitin na ginawa nang Pinoy rock band na tinawag na Eraserheads mula sa 1994 album nila na Circus. Ang Eraserheads, sa kabila nang kanilang paghihiwalay, ay kinilala sila bilang isa sa mga matagumpay at maimpluwensiya na banda mula sa Pilipinas. Halos ang mga kanta nila ay nabubuksan ang ating mga mata sa katotohanan mula sa mga simpleng kantang naririnig ngunit sa kabila doon ay may mas mabigat na mensahe pala kagaya ng kantang “Magasin” nila.
Ang kantang ito ay maraming ipinapahiwatig o kaya ay maraming binibitawang mensahe ngunit sa unang beses natin itong ipatugtog ay masasabi natin na ito ay tungkol sa kung paano nagbago ang babae at naging matagumpay sa buhay. Nang nakita ito ng lalaki, kung saan ay ang dating kasintahan ng babae, siya ay nagulat at nabighani sa hindi inaasahang pagbabago ng babae sapagkat sa nakalipas na mga panahon ay sinasabihan ng lalaki na pangit at walang hiya yung babae. Bukod dito ay napuno ang lalaki ng mga papuri sa babae hanggang nalaman niya na sangkot pala siya sa industriya ng pornograpya at nakita niya ang mapait na katotohanan.
Magasin by Eraserheads (Lyrics)
Nakita kita sa isang magasin.
Dilaw ang ‘yong suot
At buhok mo’y green.
Sa isang tindahan sa may Baclaran,
Napatingin, natulala
Sa iyong kagandahan.
Naaalala mo pa ba noong
Tayo pang dalwa?
Di ko inakalang sisikat ka.
Tinawanan pa kita,
Tinawag mo akong walanghiya
Medyo pangit ka pa noon
Ngunit ngayon…
Hey
CHORUS:
Iba na ang ‘yong ngiti
Iba na ang ‘yong tingin.
Nagbago nang lahat sa’yo
Sana’y hindi magkita
Sana’y walang problema
Pagkat kulang ang dala kong pera
Pambili ooh
Pambili sa mukha mong maganda
Siguro ay may kotse ka na ngayon.
Rumarampa sa entablado.
Damit mo’y gawa ni Sotto!
Siguro’y malapit ka na ring sumali
Sa supermodel
Of the whole wide universe.
Kasi…
Nakita kita sa isang magasin.
At sa sobrang gulat di ko napansin.
Bastos pala ang pamagat.
Dali-dali ang binuklat
At ako’y namulat
Sa hubad na katotohanann…
Pambili sa mukha mong maganda
Nasaan ka na kaya?
Sana ay masaya
Sana sa susunod na issue
Ay centerfold ka na
Ang dahilan kung bakit ito ang pinili at nagustuhan ko na kanta ay dahil maganda yung kanyang kumpas at nakaka-aliw rin. Bukod sa kanyang tuno ay tinutugunan rin ng kantang ito ang iba’t ibang isyu sa lipunan lalo na sa Pilipinas na hanggang ngayon ay nararanasan ng mga mamamayan.
Maraming ipinapahiwatig ang kantang ito lalo na tungkol sa mga isyung panlipunan sa Pilipinas kagaya nalang ng “prostitution” sa Manila, diskriminasyon, kahirapan, pag-ibig, at marami pang iba. Ang paggawa ng kantang ito sa nasabing banda ay talagang hindi nagkukulang at nagbibigay kamalayan sa kasaysayan ng Pilipinas hanggang ngayon kung kaya ay isa sa mga dahilan kung bakit isa sila sa mga matagumpay na banda noong unang panahon. Ang kantang “Magasin” rin ay sumasalamin sa ating pagkatao kung paano natin dinadala ang ating sarili at kung paano tayo humuhusga ng ibang tao. Sa pangkalahatan, ang kantang ito ay maganda at sana ay mas maunawaan at malaman ng mga tao ngayon lalo na sa mga kabataan.